January 12, 2012

Unang Uwi ng Nueva Ecija sa Taong 2012 (Timeline)

January 06, 2012, Biyernes

12:00nn - Half-day sa trabaho, pero ako whole day pa din, may kailangan na puntahan sa Tarlac (kasama sa trabaho).

2:00pm - Galing trabaho, deretso sa SM Tarlac para makipagkita sa dating classmate, ngayon pulis (Kapitan Angelito Angel) na ninong ni Matthew. Request nya 'yun kasi hindi pa sila nagkikita ng personal buhat ng pinanganak si Matthew.

Bandang 4:00pm - Narating din sa wakas ang SM. Sobrang traffic (almost 1.5 hours). May part na single-lane lang dahil ginagawa ang kalsada. Konting kwentuhan habang nagmemeryenda sa Shakey's na libre ni pareng Angel.

6:00pm - Pauwi na nang Nueva Ecija via Sta.Rosa-Tarlac Road, liko papuntang Aliaga via Cabanatuan-Carmen Road hanggang matungo ang Cagayan Valley Road.

8:30pm - Narating ang CLSU. Deretso sa bahay ng dating kaklase ng elementarya. Get-together kuno ng dating mga magkakaklase. Kwentuhang walang patid. Kainan (salamat Jinky sa inihaw na bangus, chopsuey, barbecue at buko-pandan). Inuman ng konti. Picture-picture.

Elementary Classmates (L-R): Chai, Joan, Jinky, Maye, (Matt), me


11:00pm - Nagkayayaan ng umuwi kahit parang ayaw pa.

January 07, 2012, Sabado (Leave sa Trabaho)

7:00am - Gisingan na. Oras na para simulan ang mga nakatakdang activity. Si Matthew, kasama ng lolo nya na mukang sabik sa kanya habang gumagayak kami.

9:00am - Unang destinasyon, sa bahay ng dating classmate (kaso nasa Dubai), si Ninang Ivy ni Matthew. May pinadala daw kasi sa package nya na para may Matthew. Kumain ng leche flan.

10:00am - Punta sa dating teacher nung college. Ninong namin sa kasal. Gusto daw makita si Matthew. Sa wakas nagkita din sila (after 2 years). Kwentuhan. Kumustahan. Habang may pa-exam.

10:30am - Daan sa bahay nila Nanay para isama sa pagdalaw tuloy sundo kay Gelai, pinsan ni Matthew, sa Lupao.
Matt and his pamangkin, Zarian (wasn't able to take Gelai's pic. Sayang)


1:00pm - Binisita si Ninang Linda sa Dorm 6, gusto daw ulit makita ang apo na si Matthew.

2:00pm - Tuloy sa bahay nila Gwen, Birthday Party (actual birthday  January 04). Nag-lunch muna kami. Pahinga ng konti. Sabak ulit sa kainan pagdating ng 3:30pm.

Gwen and Matt

Gwen and Matt

6:00pm - Uwi sa bahay. Kain ulit. Pahingang konti. Tulugan.

January 08, 2012, Linggo

7:00am - Nag-umpisa nang maghanda para sa pag-uwi ng Bulacan.

9:00am - Bumalik kila Nanay para sunduin si Gelai at ihatid muli sa Lupao.

10:00am - Saglit sa bahay para magpaalam na sa pag-uwi ng Bualcan.

10:30am - Tuluyan ng bumiyahe patungong Bulacan.

3:30pm - Narating ang Marilao, Bulacan.


Spending two (2) days and three (3) nights in Nueva Ecija is very short compared to things that we want do in our hometown but seeing ex-classmates, teachers and friends gave a felling of fulfillment. See you again in February, if given  a chance.