April 8, 2015

Re-visiting Elementary Alma Mater


Just before the Lenten season started, I was invited to re-visit my Elementary Alma Mater and be part of their Graduation Ceremony as Guest Speaker.

Chemist Dad as the Guest Speaker


At first, I was hesitant to accept the invitation since I was not the valedictorian nor the salutatorian during our time.

After few moments of thinking, I decided to agree.

Of course, I need to know their theme first in order to compose my speech. Hindi pa naman ako sanay gumawa ng speech.

The theme “Saktong Buhay: Sa De-kalidad na Edukasyon Pinanday.” was given to be few days before the graduation day.

Though I already made a draft of my speech, I need to make few revisions to be make inline with the theme.

At first, I thought of making an English speech since it is bit easier for me to make one in this language but I opt to make it in Filipino.

Why? This is to make the audience understand more what I will talk about. Also, I want to make it simple and concise to avoid boredom especially the excited graduating students. Here's the content of my speech.

"Sa Education Program Supervisor, Ma’am Mangalindan
Sa ating Baranggay Captain Cajucom kasama ng mga konsehal
Sa principal,  Emily Fernandez
Sa mga matyagang guro
Sa mga mapagmahal na mga magulang
Sa mga magsisipagtapos
At sa lahat ng narito ngayon, magandang umaga po.

Una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa pag-anyaya sa akin upang mapabilang sa isang nakapahalagang okayson sa araw na ito.

Kagaya nyo, alam ko din ang pakiramdam ng isang magtatapos, EXCITED! Sa katunayan, wala na nga akong matandaan sa mga mabanggit ng aming speaker noong panahong iyon. Kaya naman naisip ko na gawing maikli lamang ang aking talumpati.

Dalawampu’t isang taon na ang nakalipas, kagaya ng mga isang magsisitatapos, isa din ako sa mga nakaupo at matiyagang naghihintay na matanggap ang isang mahalagang piraso ng papel. Isang katibayan nang pagtatapos ng isang hakbang ng buhay mag-aaral. Isang kapirasong papel na maaaring maging susi ng tagumpay sa hinaharap. Ang Diploma.

Halos tatlong dekada na ang nakaraan ng ako ay unang tumungtong sa DepEd-CLSU na noon ay mas kilala bilang DECS-CLSU. Masasabi kong napakarami nang nagbago. Nadagdagan na ang mga buildings, nagkaroon na ng sections ang bawat grade level, at mga bagong henerasyon ng mga teachers. Wala na rin ang aking mga naging guro maliban sa dalawa:

Sir Jaime Fernando na naging guro ko sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan o EPP at Araling Panlipunan o History noong Grade 5 at 6.

At Ma’am Elvira Ramos na teacher ko sa lahat ng subjects noong Grade 3. Sya rin ang kasama namin na tumatakbo palabas ng classroom habang lumilindol. Graduates, hindi pa kayo ipinapanganak ng panahong iyon.

Masasabi ko na mataas na ang kalidad ng edukasyon sa aming panahon at sa kasalukuyan sigurado akong mas mataas pa dahil na rin sa patuloy na pag-usbong ng science and technology.

Sa mga magsisitapos, sa mga panahong ito, alam ko na nagtatanong din kayo kung saan ba magagamit ang inyong mga natutunan sa “elementary o basic education”. Marahil, nagtataka kayo bakit itinuturo sa inyo ang mga simpleng bagay kagaya ng addition, subtraction, multiplication at division. Ang mga sagot sa katanungang ito ay malalaman nyo rin sa takdang panahon.

Karamihan sa “basic education” na natutunan ko ay patuloy ko pa ding nagagamit hanggang sa ngayon.

Halimbawa, ang simpleng paghawak at paggamit ng mga tools sa carpentry at garndening ay nagagamit ko sa mga simpleng pagkukumpuni sa mga bagay-bagay as aming tahanan. Kundi siguro naituro sa amin ang mga ito, marahil kailangan ko pang tumawag ng isang manggagawa para magpalit ng mga faucet at ilaw sa bahay.

Isa pang halimbawa, noong grade 6 kami, tinuruan kami sa EPP ng crocheting o paggagantsilyo. Hindi ko alam kung bakit kailangan itinuturo sa amin ito. Hindi naman Home Economics o Garment Technology ang career na tatahakin ko. Gayunpaman matiyaga ko pa rin itong inalam at pinag-aralan.

Makalipas ang higit 2 dekada, hindi ko akalain na babalikan ko ang mga natutunan ko sa larangang ito. Magagamit ko pala ang mga ito bilang isang sa aming sources of income na masasabi kong nakatulong upang maging sakto sa buhay.

Katulad nyo na mga magsisipagtapos, ako din ay nabigyan ng pagkakataon na malinang ang aking kaalaman sa pamamagitan ng de-kalidad na edukasyon na binibigay ng ating mga guro. Marami tayong natutunan katulad ng numbers sa Mathematics, language sa English at Filipino, Science and Technology, Music, Arts pati na ang Physical Education.

Ang mga kaalamang ito ang magbibigay liwanag sa ating buhay na sya namang maibabahagi natin hindi lamang sa ating pamilya kundi sa buong komunidad.

Natutunan din natin ang tumulong at makipagkapwa-tao. Ito ang isa sa napakahalagang aspeto na magagamit nyo sa hinaharap

Kaya sa pagkakataong ito, bigyang pugay natin ang ating mga guro sa papapagitan ng palakpakan. Teachers, Thank you very much!

Dahil sa mga de-kalidad na edukasyong binigay ng DepEd-CLSU, at ayon na rin sa aking karanasan, masasabi ko na kayo, na mga magsisipagtapos, ay handa na upang suungin ang susunod na antas ng pag-aaral, ang Highschool.

Ilang taon mula ngayon, ang iba sa inyo ay magiging Doctor, Nurse, Engineers, Accountants, Lawyers, Teachers, Police o Chemist na katulad ko. Alam ko na lahat ng natutunan nyo sa basic education ay magagamit nyo upang maabot ang inyong mga pangarap. Marahil kundi sa de-kalidad na edukasyong binigay ng DepEd-CLSU, wala ako ngayon sa kinatatyuan ko.

Bilang pagtatapos, mag-iiwan lamang ako ng mga hamon. Hamon na makakatulong upang patuloy nating mapalaganap ang de-kalidad na edukasyon na magbibigay daan tungo sa saktong pamumuhay.

Una, sa mga magulang na katulad ko…
Sabi nila, ang tahanan ang unang paaralan ang mga kabataan. Kakabit nito, tayong mga magulang ang unang guro ng ating mga anak. At pagdating ng edad na sila ay papasok sa paaralan, huwag po sana nating iasa lamang sa mga guro ang pag-unlad ng kanilang kaisaipan.

Hindi po natatpos ang pag-aaral sa loob ng apat na sulok ng paaralan. Ipagpatuloy po natin ito hanggang sa ating mga tahanan.

Katulad ng panawagan sa isang TV ad ni Cong. Win Gatchalian, maging Nanay o Tatay Teacher po tayo sa kanila.

Pangalawa, sa mga guro.
Ipinapauna ko na po, bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit.

Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga mag-aaral.  At mga guro ang patuloy na humahasa sa pag-iisip ng bawat isa.

Katulad po ng mga magulang, sana po ay maging pantay-pantay din tayo sa pagtingin sa ating mga mag-aaral. Anu man ang estado nila bilang mag-aaral, bigyan po natin ang bawat isa na ipakita ang kanilang kakayahan hindi lamang sa aspetong akademiko, kundi sa iba pang larangan.

Wag po nating pagtuunan ang kanilang mga kahinaan bagkus pagyamin at linangin ang kanilang mga kakayahan.

Panghuli, sa mga magsisipagtapos...
Sana lahat ng magandang aral na natutunan nyo sa DepEd-CLSU ay dalhin nyo saan man kayo magtungo. Ang mga hindi magandang karanasan, iwan na ang mga ito at magsilbi na lamang na isang aral.

Anu man ang naging estado nyo bilang mag-aaral, may honors man o wala. Ang mahalaga, ay ang kalidad ng kung anu ang natutunan nyo sa paaralan. Sa katunayan, karamihan sa nagtatagumpay ay nasa average level lamang habang sila ay nag-aaral.

Tandaan ninyo, simula sa araw na ito, ang pangalang DepEd CLSU ay mistulang tattoo na nakamarka na sa buhay nyo at sana ay maging proud din kayo katulad ko.

Balang araw, isa sa inyo ang aakyat sa stage na ito at magsasalita sa harap ng mga magsisipagtapos.
Balang araw, muli kayong babalik sa paaralang ito,
kasama ang mga magiging anak at apo
at may pagamalaking sasabihing ito ang aking paaralan, ang DepEd-CLSU.

Muli po sa mga graduates, lalo na sa mga guro at magulang, congratulations!
At sa lahat, maraming salamat at magandang umaga po."

At first I was shaky but as I go on, it subsided and I felt comfortable. Mama and Tito Boy noticed this. They said, the speech is good, maikli pero malaman.

After the event, I realized that you don’t need to be on the top of the class in order to give inspiration to others. Just like a quotation I read, “Honors and achievements are just accessories. It doesn’t tell who you really are.”

Here are some of the photos taken by Mommy. Taking photos near the stage is not allowed to prevent the place of being crowded. We didn't have selfie photos on the stage because we were invited immediately to proceed at the school canteen for lunch.

Receiving the token or certificate with the Principal (the one in pink), Brgy. Captain (in orange shirt), PTA President (in brown coat), and the Brgy. Councilors